Sunday, November 1, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 2, Lunes; Paggunita sa lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano: Juan 11:17-27


Mabuting Balita: Juan 11:17-27
17 Pagdating ni Jesus, apat na araw na palang naka­libing si Lazaro. 18Mala­pit ang Betania sa Jerusalem, halos tatlong kilo­metro ang layo. 19 Marami sa mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria para maki­ramay sa kanila sa kanilang kapatid.  

20 Kaya pagkarinig ni Marta na duma­rating si Jesus, sinalubong niya ito. Si Maria naman ay nakaupo sa bahay. 21 At sinabi ni Marta kay Jesus: “Pangi­noon, kung naririto ka, hindi sana namatay ang kapatid ko. 22 Ngunit kahit na ngayon, alam kong anuman ang hingin mo sa Diyos ay ibibigay sa iyo ng Diyos.” 

23 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Baba­ngon ang kapatid mo.” 24 Sinabi naman sa kanya si Marta: “Alam ko na baba­ngon siya sa pagkabuhay sa huling araw.” 

25 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ako siyang pagkabuhay (at ang buhay.) Mabu­­buhay ang nananalig sa akin kahit na mamatay siya. 26 Hinding-hindi mama­matay kailanman ang bawat nabubuhay at nananalig sa akin. Pinani­niwa­laan mo ba ito?” 27 Sinabi niya sa kanya: “Opo, Pangi­noon. Nananalig nga ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos, na dumarating sa mundo.”

No comments: