Thursday, August 6, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 8, Sabado; San Domingo, pari (Paggunita) : Mateo 17:14-20


Mabuting Balita: Mateo 17:14-20
14   Lumapit kay Jesus ang isang lalaki, lumuhod sa harap niya at nagsabi: 15 “Ginoo, maawa ka sa aking anak na lalaki na may epilepsi at lub­hang nahi­hirapan. Madalas siyang ma­hulog sa apoy at kung minsan nama’y sa tubig. 16 Dinala ko na siya sa mga alagad mo pero hindi nila siya napaga­ling.”

17 Sumagot si Jesus: “Mga walang pana­­nampalataya at ligaw na tao kayo! Gaano pa katagal na panahon ako ma­nanatili sa piling ninyo? Hanggang ka­ilan ako mag­titiis sa inyo? Dalhin siya rito sa akin.” 18 At inutusan ito ni Jesus, at umalis sa kanya ang masamang espiritu. At guma­ling ang bata sa sandaling iyon.

19 Pagkatapos ay nilapitan si Jesus ng mga alagad, at tinanong nang sarilinan: “Bakit hindi namin napalayas ang espiritu?” 20 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sa­pagkat maliit ang inyong pana­nam­palataya. Kung may pananam­palataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa, masasabi sana ninyo sa bundok na ito na gumalaw mula rito at gagalaw ito. At walang magiging impo­sible para sa inyo.


No comments: