Tuesday, July 21, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 24, Biyernes; Ika-16 na Linggo ng Taon: Mateo 13:18-23


Mabuting Balita: Mateo 13:18-23
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 18 Makinig kayo ngayon sa talinha­ga ng maghahasik. 19 Pag may nakakarinig sa salita ng Kaharian ngunit hindi naman niya inu­unawa, dumarating ang Masama at ina­agaw ang nahasik sa kanyang puso. Ito ang butong nahulog sa tabi ng daan.

20 Ang buto namang nahulog sa batu­han ay para sa taong nakarinig sa salita at ka­agad itong tinanggap nang buong kasiyahan. 21 Ngunit hindi ito nag-ugat sa kanyang kalooban at panandalian lamang. Kapag nag­karoon ng pagsubok at pag-uusig dahil sa salita, agad-agad siyang natitisod.

22Ang butong nahulog sa mga tini­kan ang nakarinig sa salita ngunit sini­kil ito ng mga makamundong kabalisahan at ng pandaraya ng kayamanan, at hindi naka­pagbunga ang salita. 23 Ang buto namang nahasik sa matabang lupa ang nakakarinig sa salita at umuunawa rito; nagbubunga siya at nag­bibigay ng sandaan, animnapu o tatlum­pu.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: