“Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay ito,
katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan.
Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap
na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang
ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong
paglilimos. At gagantihan ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa
mo nang lihim.
“At kapag nananalangin kayo huwag kayong tumulad sa mga
mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga
panukalang-daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na
nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong
silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo
nakikita, at gagantihan ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo
nang lihim.
“Kapag
nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagimbabaw.
Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila’y nag-aayuno. Sinasabi ko
sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno,
mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na
nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang nakaaalam
nito. Siya, na nakakikita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim, ang gaganti sa
iyo.”