“Narinig ninyo na noong una’y inutos sa mga tao, ‘Huwag kang
papatay; ang sinumang makamatay ay mananagot sa hukuman.’ Ngunit ngayo’y
sinasabi ko sa inyo: ang mapoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman; ang
humamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa
kanyang kapatid ‘ulol ka!’ ay mapapasaapoy ng impiyerno.
Kaya’t
kung naghahandog ka sa Diyos, at maalaala mo na may sama ng loob sa iyo ang
kapatid mo, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo
ka sa kanya. Saka ka magbalik at maghandog sa Diyos. “Kung may magsakdal laban
sa iyo sa hukuman, makipag-ayos ka sa kanya habang may panahon, bago ka niya
iharap sa hukom.
At kung
hindi’y ibibigay ka niya sa hukom, na magbibigay naman sa iyo ng tanod, at ikaw
ay mabibilanggo. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi
mo nababayaran ang kahuli-hulihang kusing.”
No comments:
Post a Comment