Mabuting Balita: Mateo 21:33-43
Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya'y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo.
Pinapunta ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayon din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha'y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. Igagalang nila ang aking anak,' wika niya sa sarili. Ngunit ng makita ng mga kasama ang anak, sila'y nag-usap-usap: 'Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin ng mapasaatin ang kanyang mamanahin.' Kaya't siya'y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.
"Pagbabalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamang iyon?" sumagot sila, "Lilipulin nila ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang mga kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas."
Tinanong sila ni Jesus, hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan? 'ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong panulukan. Ginawa ito ng Panginoon, at ito'y kahanga-hanga!' Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang pagahaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya ng tapat.