Friday, March 31, 2023

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Abril 2, Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon: Mateo 26: 14 – 27:66

 

Mabuting Balita: Mateo 26: 14 – 27:66
Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa punong saserdote, "Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Jesus?" tanong niya. Noon din ay binilangan siya ng tatlumpong salaping pilak. Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Jesus.

Dumating ang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na walang Lebadura. Lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, "Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?" Sumagot siya, "Pumunta kayo sa lunsod at hanapin ninyo ang taong ito. Sabihin sa kanyang ganito ang ipinasasabi ng Guro: 'Malapit na ang aking oras. Ako at ang mga alagad ko'y sa bahay mo kakain ng Hapunang Pampaskuwa.'" Sinunod ng mga alagad ang utos ni Jesus, at inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.

Nang gabing yaon, dumating sa hapag si Jesus, kasama ang labindalawang alagad. Samantalang sila'y kumakain, nangusap si Jesus. "Sinasabi ko: isa sa inyo ang magkakanulo sa akin." Nanlumo ang mga alagad, at isa't isa'y nagtanong sa kanya, "Ako po ba, Panginoon?" Sumagot siya, "Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na ipinanganak ang taong iyon." Si Judas, na magkakanulo sa kanya, ay nagtanong din, "Guro, ako po ba?" Sumagot si Jesus, "Ikaw na ang nagsabi."

Samantalang sila'y kumakain, dumampot ng tinapay si Jesus, at matapos magpasalamat sa Diyos, kanyang pinagpira-piraso at kanyang ibinigay sa mga alagad. "Kunin ninyo ito at kanin: ito ang aking katawan," wika niya. Hinawakan niya ang saro, nagpasalamat sa Diyos at ibinigay sa kanila. "Uminom kayong lahat nito," sabi niya. "Sapagkat ito ang dugo ng tipan, ang aking dugo na mabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako iinom nitong alak na mula sa ubas hanggang sa bagong alak ay inumin kong kasalo kayo sa kaharian ng aking Ama." At pagkaawit ng isang imno, sila'y nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.

Sinabi ni Jesus sa kanila, "Sa gabing ito, ako'y iiwan ninyong lahat, gaya nang nasasaad sa Kasulatan, 'Papatayin ko ang pastol, at mangangalat ang mga tupa. Ngunit pagkatapos na ako'y muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea." Sumagot si Pedro, "Kahit na po iwan kayo ng lahat, hindi ko kayo iiwan." "Tandaan mo," sabi ni Jesus, "Sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok, makaitlo mo akong itatatwa." Ngunit matigas na sinabi ni Pedro, "Kahit na ako pataying kasama ninyo, hindi ko kayo itatatwa." Gayon din ang sinabi ng lahat ng alagad.

At isinama sila ni Jesus sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi niya sa kanyang mga alagad, "Dito muna kayo; mananalangin ako sa dako roon." Ngunit isinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. At nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban. Sinabi niya sa kanila, "Ang puso ko'y tigib ng hapis na halos ikamatay ko! Maghintay kayo rito at makipagpuyat sa akin!" Pagkalayo ng kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin: "Ama ko, kung maaari'y ilayo mo sa akin ang saro ng paghihirap na ito. Gayunman huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari."

Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi niya kay Pedro, "Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasama ko kahit isang oras man lamang? Magpuyat kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso . Ang espiritu'y nakahanda ngunit mahina ang laman."

Muli siyang lumayo at nanalangin: "Ama ko, kung hindi maiaalis ang sarong ito nang hindi ko iinumin, mangyari ang iyong kalooban." Muli siyang nagbalik at dinatnan na naman niya silang natutulog, sapagkat sila'y antok na antok.

Iniwan niya uli ang tatlong alagad at muli siyang nanalangin, at iyon din ang sinabi. Nagbalik na naman siya sa mga alagad at sinabi sa kanila, "Natutulog pa ba kayo at nagpapahinga? Dumating na ang oras na ipagkakanulo ang Anak ng Tao sa mga makasalanan. Tayo na! Narito na ang magkakanulo sa akin."

Nagsasalita pa si Jesus nang dumating si Judas, isa sa Labindalawa. May kasama siyang maraming tao na may dalang mga tabak at mga pamalo; galing sila sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan. Bago pa sila dumating doon, ibinigay na ng taksil ang ganitong hudyat: "Ang hagkan ko ang siya nating pakay. Dakpin ninyo agad!" Kaya't nilapitan ni Judas si Jesus at binati, "Magandang gabi po, Guro!" saka hinagkan. Sinabi sa kanya ni Jesus, "Kaibigan, gawin mo na ang sadya mo." At nilapitan siya ng mga tao at dinakip. Nagbunot ng tabak ang isa sa mga kasama ni Jesus. Tinaga niya ang alipin ng pinakapunong saserdote, at natigpas ang tainga niyon. Sinabi ni Jesus, "Isalong mo ang iyong tabak! Ang gumagamit ng tabak ay sa tabak mamamatay. Hindi mo ba alam na makahihingi ako sa aking Ama ng higit pa sa labindalawang batalyon ng mga anghel at padadalhan niya ako agad? Ngunit paanong matutupad ang Kasulatang nagsasabi na ito'y dapat mangyari?"

At binalingan niya ang mga tao at sinabi, "Ako ba'y tulisan at naparito kayong may mga tabak at mga pamalo para dakpin ako? Araw-araw, ako'y nagtuturo sa templo, at hindi ninyo ako dinakip. Ngunit nangyaring lahat ito upang matupad ang sinulat ng mga propeta."

Tumakas ang mga alagad at iniwan siyang mag-isa.

Dinala si Jesus ng mga dumakip sa kanya sa bahay ni Caifas, ang pinakapunong saserdote, dooy nagkakatipon ang mga eskriba at ang matatanda ng bayan. Sumunod sa kanya si Pedro, ngunit malayo ang agwat nila. Pagdating sa tahanan ng pinakapunong saserdote, pumasok siya sa patyo at naupong kasama ng mga bantay upang makita kung ano ang mangyayari. Naghahanap naman ang mga punong saserdote at ang buong Sanedren ng saksing magsisinungaling laban kay Jesus, upang maipapatay siya. Ngunit wala silang matagpuan, bagamat maraming humarap at nagsabi ng kabulaanan tungkol sa kanya. Sa wakas, may dalawang humarap at nagsabi, "Sinabi ng taong ito na gigibain niya ang templo at muling itatayo sa loob ng tatlong araw."

Tumindig ang pinakapunong saserdote at sinabi kay Jesus, "Wala ka bang maisasagot sa paratang na ito sa iyo?" Ngunit hindi umimik si Jesus. At sinabi sa kanya ng pinakapunong saserdote, "Iniuutos ko sa iyo: sabihin mo sa amin, sa ngalan ng Diyos na buhay, kung ikaw ang Mesias, ang Anak ng Diyos." Sumagot si Jesus, " "Kayo na ang nagsabi. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mula ngayon ay makikita ninyong ang Anak ng Taong nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan, at dumarating na nasa alapaap ng langit!'" Nang marinig ito ng pinakapunong saserdote, winahak niya ang sariling kasuutan at sinabi, "Ito'y kalapastanganan sa Diyos! Hindi na natin kailangan ang mga saksi. Narinig ninyo ang kanyang paglapastangan sa Diyos! Ano sa palagay ninyo?" Sumagot sila, "Dapat siyang mamatay!"

Siya’y niluran nila sa mukha at pinagsusuntok. Sinampal naman siya ng iba at ang sabi, “Kristo, hulaan mo nga kung sino ang sumampal sa iyo!”

Samantala, si Pedro’y nakaupo sa patyo. Nilapitan siya ng isang alilang babae at ang sabi, “Kasama ka rin ni Hesus na taga-Galilea, hindi ba?” Ngunit itinanggi niya ito sa harapan ng lahat. “Wala akong nalalaman sa sinasabi mo,” sagot niya. Pumunta sa may pintuan si Pedro. Nakita siya ng isa pang alilang babae, at sinabi sa mga naroon, “Ang lalaking ito’y kasama ni Hesus na taga-Nazaret.” Muli siyang tumanggi: “Isinusumpa ko, hindi ko nakikilala ang taong iyan.” Mayamaya’y lumapit kay Pedro ang mga naroon. Sinabi nila, “Isa ka nga sa kanila. Nakikilala sa iyong pagsasalita.” “Mamatay man ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan,” sagot ni Pedro. Siya namang pagtilaok ng manok. At naalaala ni Pedro ang sabi ni Hesus, “Bago tumilaok ang manok, makaitlo mo akong itatatwa.” Lumabas siya at nanangis nang buong kapaitan.

Kinaumagahan, nagpulong ang mga punong saserdote at ang mga matatanda ng bayan kung paano maipapapatay si Hesus. Iginapos nila siya at dinala kay Gobernador Pilato.

Nang makita ni Judas na si Hesus ay hinatulang mamatay, nagsisi siya at isinauli sa mga punong saserdote at sa matatanda ng bayan ang tatlumpung salaping pilak. Sinabi niya, “Nagkasala ako! Ipinagkanulo ko ang taong walang sala.” “Ano ang pakialam namin? Bahala ka!” sagot nila. Inihagis ni Judas ang mga salaping pilak sa loob ng templo saka siya umalis at nagbigti.

Pinulot ng mga punong saserdote ang mga salaping pilak. Sinabi nila, “Labag sa Kautusan na ilagay ang salaping ito sa kabang-yaman ng templo. Ito’y kabayaran sa buhay ng isang tao.” Nagkaisa sila na ang salapi ay ibayad sa bukid ng magpapalayok upang gawing libingan ng mga dayuhan. Kaya ang bukid na iyon ay tinawag na “Bukid ng Dugo” hanggang sa panahong ito.

Sa ganitong paraan natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias: “Kinuha nila ang tatlumpung salaping pilak, ang inihalaga sa kanya ng mga Israelita, at ibinayad sa bukid ng magpapalayok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.” Iniharap si Jesus sa gobernador, "Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?" tanong sa kanya ng gobernador. Sumagot si Jesus, "Kayo na ang nagsasabi." Ngunit ng paratangan siya ng mga punong saserdote at ng matatanda ng bayan, hindi na siya sumagot. Kaya't sinabi sa kanya ni Pilato, "Hindi mo ba naririnig ang mga ipinararatang nila sa iyo?" Ngunit hindi sumagot si Jesus gaputok man, kaya't nagtaka ang gobernador.

Tuwing Pista ng Paskuwa, kinaugalian na ng gobernador ang magpalaya ng isang bilanggo -- sinumang mahiling ng taong-bayan. Noon ay may isang kilalang bilanggo na nagngangalang Barrabas. Kaya't ng magkatipon ang mga tao, tinanong sila ni Pilato, "Sino ang ibig ninyong palayain ko, si Barrabas o si Jesus na tinatawag na Cristo?" Alam ni Pilato na inggit ang nag-udyok sa kanila na dalhin sa kanya si Jesus.

Hindi lamang iyan. Samantalang siya'y nakaluklok sa hukuman, nagsabi sa kanya ang kanyang asawa, "Huwag kang makialam sa taong iyan na walang kasalanan, sapagkat kagabi'y pinahirapan ako ng aking panaginip tungkol sa kanya."

Ang mga tao nama'y sinulsulan ng pinakapunong saserdote at ng matatanda ng bayan na hilingin kay Pilato na si Barrabas ang palayain, at si Jesus ay ipapatay. Muli silang tinanong ng gobernador, "Sino sa dalawa ang ibig ninyong palayain ko?" "Si Barrabas po!" sagot nila. Sinabi sa kanila ni Pilato, "Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?" Sumagot ang lahat, "Ipako sa krus!" "Bakit, anong masama ang ginawa niya?" tanong ni Pilato. Ngunit lalo pa nilang isinigaw, "Ipako sa krus!" Nang makita ni Pilato na wala nang magagawa, at malamang pang magkagulo ang mga tao, nagpakuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. "Wala akong pananagutan sa kamatayan ng taong ito. Bahala kayo!" sabi ni Pilato. Sumagot ang mga tao, "Pinananagutan namin at ng aming mga anak ang pagkamatay niya!" At pinalaya niya si Barrabas, ngunit ipinahagupit si Jesus at ibinigay sa kanila upang ipako sa krus.

Si Jesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa harap niya. Hinubaran nila siya at sinuutan ng isang balabal na pulang-pula. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinapaghawak ng isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati: "Mabuhay ang Hari ng mga Judio!" Siya'y pinaglulurhan; kinuha nila ang tambo at siya'y pinaghahampas sa ulo. At matapos kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal, sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus.

Paglabas nila ng lunsod, kanilang nakita ang isang lalaking nagngangalang Simon, isang taga-Cirene. Plit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Jesus. Pagdating sa lugar na tinatawag na Golgota na nangangahulugang Pook ng Bungo, binigyan nila si Jesus ng alak na hinaluan ng apdo. Ngunit ng matikman niya ay hindi niya ininom.

Nang maipako na siya sa krus, pinaghati-hatian nila ang kayang mga damit matapos magsapalaran. At naupo sila upang siya'y bantayan. Nakasulat sa kanyang ulunan ang sakdal laban sa kanya: "Ito'y si Jesus, ang Hari ng mga Judio." Dalawang tulisan ang kasabay niyang ipinako sa krus-- isa sa kanan at isa sa kaliwa.

Nilibak siya ng mga nagdaraan, at tatangu-tango pang sinabi, "Di ba ikaw ang gigiba sa templo at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw?" Iligtas mo ngayon ang iyong sarili! Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa krus!" Kinutya rin siya ng mga punong saserdote, ng mga eskriba at ng matatanda ng bayan. Sabi nila, "Iniligtas ang iba, ngunit ang sarili'y di mailigtas! Di ba siya ang Hari ng Israel? Bumaba lang siya ngayon sa krus, maniniwala kami sa kanya! Nananalig siya sa Diyos, at sinasabi niyang siya ang Anak ng Diyos. Iligtas siya ng Diyos kung talagang iniibig siya!" At inalipusta rin siya ng mga tulisang ipinakong kasabay niya. Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain. Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eli, Eli, lama sabachtani?" ibig sabihi'y, Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon, at sinabi nila, "Tinatawagan niya si Elias!" Agad tumakbo ang isa sa kanila at kumuha ng espongha, tinigmak ng maasim na alak, inilagay sa dulo ng isang tambo at ipinasipsip kay Jesus. Ngunit sinabi naman ng iba, "Hintay muna, tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya!" Muling sumigaw si Jesus at nalagutan ng hininga.

Biglang napunit sa gitna ang tabing ng templo, mula sa itaas hanggang sa ibaba. Nayanig nag lupa, nagbitak ang mga bato, nabuksan ang mga libingan, at nabuhay ang maraming banal na namatay na. Lumabas sila ng ng libingan, at nang muling mabuhay si Jesus, sila'y pumasok sa Banal na Lunsod at nakita roon ng marami.

Nasindak ang mga kapitan at ang mga kawal na nagbabantay kay Jesus nang maramdaman nila ang lindol at masaksihan ang lahat ng nangyari. "Tunay na ito'y Anak ng Diyos!" sabi nila.

Naroon din ang maraming babaing nakatanaw mula sa malayo. Mula pa sa Galilea'y sumusunod na sila kay Jesus at naglilingkod sa kanya. Kabilang sa kanya si Maria Magdalena, si Mariang ina ni Santiago at ni Jose, at ang asawa ni Zebedeo.

Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang taga-Arimatea, na ang ngala'y Jose. Siya'y alagad din ni Jesus. Lumapit siya kay Jesus at hiningi ang bangkay ni Jesus. Iniutos naman ito ni Pilato na ibigay sa kanya. Kaya't kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng kayong lino. Inilagay niya ito sa sariling libingan na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato, saka umalis. Naroon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria, na nakaupo sa tapat ng libingan. Kinabukasan, alalaong baga'y pagkatapos ng Araw ng Paghahanda, sama-samang nagpunta kay Pilato ang mga saserdote at mga Pariseo. Sinabi nila, "Naala-ala po namin ang sinabi ng mapagpanggap na iyon noong nabubuhay pa, na siya'y muling mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw. Pabantayan nga po ninyong mabuti ang libingan hanggang sa ikatlong araw. Baka pumaroon ang mga alagad at nakawin ang bangkay, at sabihin sa mga tao na siya'y muling nabuhay. At ang pangdarayang ito ay magiging masahol pa kaysa nauna." "Kumuha kayo ng mga kawal at pabantayang mabuti ang libingan." Kaya't pumaroon sila at nilagyan ng tatak ang bato at pinabantayan ang libingan upang matiyak nilang di ito pakikialman ninuman.

Thursday, March 30, 2023

Reflection for April 1, Saturday of the Fifth Week of Lent: John 11:45-56


Gospel: John 11:45-56
Many of the Jews who had come to Mary and seen what Jesus had done began to believe in him. But some of them went to the Pharisees and told them what Jesus had done. So the chief priests and the Pharisees convened the Sanhedrin and said, “What are we going to do? This man is performing many signs. If we leave him alone, all will believe in him, and the Romans will come and take away both our land and our nation.” 

But one of them, Caiaphas, who was high priest that year, said to them, “You know nothing, nor do you consider that it is better for you that one man should die instead of the people, so that the whole nation may not perish.” He did not say this on his own, but since he was high priest for that year, he prophesied that Jesus was going to die for the nation, and not only for the nation, but also to gather into one the dispersed children of God. So from that day on they planned to kill him.  

So, Jesus no longer walked about in public among the Jews, but he left for the region near the desert, to a town called Ephraim, and there he remained with his disciples. Now the Passover of the Jews was near, and many went up from the country to Jerusalem before Passover to purify themselves. They looked for Jesus and said to one another as they were in the temple area, “What do you think? That he will not come to the feast?”

+ + + + + + +

Reflection:

Why was Jesus so popular during His life in this world? 

Aside from performing miraculous healings Jesus was also a man of the masses, Jesus was approachable, humble and helpful. He made time for everyone including the poor and lowly. This is what made Jesus dear to the hearts of the people most especially the common people. 

Hence, it created a bandwagon effect with the people that whoever saw or even heard about Him was captivated to follow Him. Thus, Jesus became a threat to the powers that be or the ruling power at that time. 

We who profess to follow Jesus must learn from these exceptional qualities of Jesus. We may not have the gift to perform miraculous healings. But if we are humble, approachable and has time for those who need our time. We could also be the Lord’s representative to our fellowmen most especially to the poor and powerless. – Marino J. Dasmarinas 

Ang Mabuting Balita sa Abril 1, Sabado Ikalimang lingo ng Apatnapung Araw na Paghahanda: Juan 11:45-56


Mabuting Balita: Juan 11:45-56
Noong panahong iyon, marami sa mga Judiong dumalaw kay Maria ang nakakita sa ginawa ni Hesus, at nanalig sa kaniya. Ngunit ang ilan sa kanila’y pumunta sa mga Pariseo at ibinalita ang ginawa ni Hesus. Kaya’t tinipon ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang mga kagawad ng Sanedrin. 

“Ano ang gagawin natin?” wika nila. “Gumagawa ng maraming kababalaghan ang taong ito. Kung siya’y pababayaan natin, mananampalataya sa kanya ang lahat. Paririto ang mga Romano at wawasakin ang Templo at ang ating bansa.”  Ngunit isa sa kanila, si Caifas, ang pinakapunong saserdote noon ay nagsabi ng ganito: “Ano ba kayo? Hindi ba ninyo naiisip na mas mabuti para sa atin na isang tao lamang ang mamatay alang-alang sa bayan, sa halip na mapahamak ang buong bansa?” 

Sinabi niya ito hindi sa ganang kanyang sarili lamang. Bilang pinakapunong saserdote ng panahong iyon, hinulaan niyang mamamatay si Hesus dahil sa bansa – at hindi dahil sa bansang iyon lamang, kundi upang tipunin ang nagkawatak-watak na mga anak ng Diyos. Mula noon, binalangkas na nila kung paano ipapapatay si Hesus, kaya’t hindi na siya hayagang naglakad sa Judea. Sa halip, siya’y nagpunta sa Efraim, isang bayang malapit sa ilang. At doon siya nanirahang kasama ng kanyang mga alagad.  

Nalalapit na ang Pista ng Paskuwa. Maraming taga-lalawigang pumunta sa Jerusalem bago mag-Paskuwa upang isagawa ang paglilinis ayon sa Kautusan. Hindi nila nakita si Hesus sa templo, kaya’t nagtanungan sila,”Ano sa akala ninyo? Paririto kaya sa pista o hindi?” Ipinag-utos ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo na ituro ng sinumang nakaaalam kung nasaan si Hesus upang siya’y maipadakip nila.

Reflection for March 31, Friday of the Fifth Week of Lent: John 10:31-42


Gospel: John 10:31-42
The Jews picked up rocks to stone Jesus. Jesus answered them, "I have shown you many good works from my Father. For which of these are you trying to stone me?" The Jews answered him, "We are not stoning you for a good work but for blasphemy. You, a man, are making yourself God." Jesus answered them, "Is it not written in your law, 'I said, 'You are gods"'? 

If it calls them gods to whom the word of God came, and Scripture cannot be set aside, can you say that the one whom the Father has consecrated and sent into the world blasphemes because I said, 'I am the Son of God'? If I do not perform my Father's works, do not believe me; but if I perform them, even if you do not believe me, believe the works, so that you may realize and understand that the Father is in me and I am in the Father." Then they tried again to arrest him; but he escaped from their power. 

He went back across the Jordan to the place where John first baptized, and there he remained. Many came to him and said, "John performed no sign, but everything John said about this man was true." And many there began to believe in him.

+ + + + +  + +

Reflection:

Raffy was a popular figure in their parish church, he was being consulted every time there was problems and decisions to be made. Then a new figure in the parish came along a humble man whose wisdom was very profound. Suddenly the people in the parish gravitated to this humble and wisdom filled man. Therefore Raffy planned to bring down this humble man so that he could once again be the main man in their parish.  

The hatred of the Jews against Jesus was not only caused by His pronouncement that He and God are one and the same. Their hatred against Jesus was also caused by their envy with Jesus popularity with the people most especially with the ordinary people. The Jews were slowly losing grip of their authority because of Jesus. Therefore they must plot to kill Him at all cost. 

There would also be people who will come along our way who are much better than us. Who are more humble than us (If at all we are humble!). Let us not envy them, let us not plot any untoward against them let us instead be happy for them. To rejoice with somebody who is taking the limelight from us is hard to do. But this is not impossible to do if we really are true followers of Jesus.  

The mistake of the Pharisees and scribes during the time of Jesus is they allowed envy and pride to control them. By doing so, they in the process opened themselves up to the control of Satan. – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita sa Marso 31, Biyernes Ikalimang lingo ng Apatnapung Araw na Paghahanda: Juan 10:31-42


Mabuting Balita: Juan 10:31-42
Noong panahong iyon, ang mga Judio'y muling kumuha ng bato upang batuhin si Hesus. Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus,: "Maraming mabubuting gawa mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin ba sa mga ito ang dahilan at ako'y inyong babatuhin?" Sinagot siya ng mga Judio, "Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! 

Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang." Tumugon si Jesus, "Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, 'Sinabi ko, Mga diyos kayo'? Mga diyos ang tawag sa Kautusan sa mga pinagkatiwalaan ng salita ng Diyos, at hindi maaaring tanggihan ang sinasabi ng Kasulatan. 

Ako'y hinirang at sinugo ng Ama; paano ninyong masasabi ngayon na nilalapastangan ko ang Diyos sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos? Kung hindi ko ginawa ang ipinagagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong paniwalaan. Ngunit kung ginagawa ko iyon, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa, kung ayaw man ninyo akong paniwalaan. Sa gayon, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako'y nasa kanya." 

Tinangka na naman nilang dakpin siya, ngunit siya'y nakatalilis. Muling pumunta si Jesus sa ibayo ng Jordan, sa pook na noong una'y pinagbabautismuhan ni Juan. Nanatili siya roon, at maraming lumapit sa kanya. Sinabi nila, "Si Juan ay walang ginawang kababalaghan, ngunit totoong lahat ang sinabi niya tungkol sa taong ito." At doo'y maraming sumampalataya kay Jesus.

Wednesday, March 29, 2023

Reflection for March 30, Thursday of the Fifth Week of Lent: John 8:51-59


Gospel: John 8:51-59
Jesus said to the Jews: “Amen, amen, I say to you, whoever keeps my word will never see death.” So the Jews said to him, “Now we are sure that you are possessed. Abraham died, as did the prophets, yet you say, ‘Whoever keeps my word will never taste death.’ 

Are you greater than our father Abraham, who died? Or the prophets, who died? Who do you make yourself out to be?” Jesus answered, “If I glorify myself, my glory is worth nothing; but it is my Father who glorifies me, of whom you say, ‘He is our God.’ You do not know him, but I know him. And if I should say that I do not know him, I would be like you a liar. 

But I do know him and I keep his word. Abraham your father rejoiced to see my day; he saw it and was glad.” So the Jews said to him, “You are not yet fifty years old and you have seen Abraham?”  Jesus said to them, “Amen, amen, I say to you, before Abraham came to be, I AM.” So they picked up stones to throw at him; but Jesus hid and went out of the temple area.

+ + + + + + +

Reflection:

What does Jesus gives us? Jesus gives us eternal life, we believe that if we have faith in Jesus we will never die. Yes we literally die through our physical death but after that we believe that we will be with Jesus in heaven to live eternally. 

We primarily believe and love Jesus because we want to be with Him in heaven someday. But there are still many who do not believe in Jesus, yes they know Jesus but they don’t believe in Jesus.  Same as with the Jews in our gospel who did not believe Jesus when He told them that He already had seen Abraham and yet they didn’t believe Him they even had the temerity to throw stone at Him (John 8:57-59). 

So what should we do to those who know Jesus but do not believe or they believe in Jesus but their belief is in name only? We must therefore bring them closer to Jesus and to our faith. For example, this coming Holy Week, let us encourage them to attend the many liturgical celebrations in our respective parishes. For this surely will strengthen their union with Jesus and the church that He Himself founded thru Peter (Matthew 16:18). 

Liturgical celebration such as the Way of the Cross, the Chrism Mass, The institution of the Eucharist in the afternoon, the Veneration of the Holy Cross during good Friday and the Easter Vigil Mass during black Saturday. Let us not keep to ourselves our faith and love for Jesus let us share and live it as well. – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita sa Marso 30, Huwebes Ikalimang lingo ng Apatnapung Araw na Paghahanda: Juan 8:51-59


Mabuting Balita: Juan 8:51-59
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga Judio: "Tandaan ninyo: ang namumuhay ayon sa aking aral, kailanma'y di makararanas ng kamatayan." Sinabi ng mga Judio, "Ngayo'y natitiyak naming inaalihan ka nga ng demonyo. Namatay si Abraham, at ang mga propeta, pero sinasabi mong hindi mamamatay kahit kailan ang sinumang namumuhay ayon sa iyong aral. Dakila ka pa ba kaysa aming amang si Abraham? Siya'y namatay, gayon din ang mga propeta. Ano ba ang akala mo sa sarili mo?" 

Sumagot si Jesus, "Kung ako ang nagpaparangal sa aking sarili, iya'y walang kabuluhan. Ang aking Ama ang nagpaparangal sa akin at sinasabi ninyong siya ang inyong Diyos. Hindi ninyo sila nakikilala, ngunit siya'y nakikilala ko. Kung sabihin kong hindi ko siya nakikilala, ako'y magigng sinungaling tulad ninyo. Subalit nakikilala ko siya at ginagawa ko ang kanyang sinasabi. 

Natuwa ang inyong amang si Abraham nang mabatid na makikita niya ang araw ng pagparito ko; nakita nga niya ito at siya'y nagalak." Dahil dito'y sinabi sa kanya ng mga Judio, "Wala ka pang limampung taon, at nakita mo na si Abraham?" Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa inyo: bago ipanganak si Abraham 'Ako'y Ako Na'. Dumampot sila ng bato upang siya'y batuhin, ngunit nagtago si Jesus at lumabas ng templo.

Tuesday, March 28, 2023

Reflection for March 29, Wednesday of the Fifth Week of Lent: John 8:31-42


Gospel: John 8:31-42
Jesus said to those Jews who believed in him, "If you remain in my word, you will truly be my disciples, and you will know the truth, and the truth will set you free." They answered him, "We are descendants of Abraham and have never been enslaved to anyone. How can you say, 'You will become free'?" 

Jesus answered them, "Amen, amen, I say to you, everyone who commits sin is a slave of sin. A slave does not remain in a household forever, but a son always remains. So if the Son frees you, then you will truly be free. I know that you are descendants of Abraham. But you are trying to kill me, because my word has no room among you. I tell you what I have seen in the Father's presence; then do what you have heard from the Father." 

They answered and said to him, "Our father is Abraham." Jesus said to them, "If you were Abraham's children, you would be doing the works of Abraham. But now you are trying to kill me, a man who has told you the truth that I heard from God; Abraham did not do this. You are doing the works of your father!" 

So they said to him, "We were not born of fornication. We have one Father, God." Jesus said to them, "If God were your Father, you would love me, for I came from God and am here; I did not come on my own, but he sent me."

+ + + + + + +

Reflection:
How can we become true followers of Jesus? 

It is only through our adherence to Jesus teachings that we would become His true followers there is no other way. How about those who regularly give large sum of money to the church or those who serve in the church but they disobey Jesus’ teachings? Are they not true follower? They are not! No matter how big the amount that they regularly give to the church and no matter who they are in the organizational hierarchy of the church.  

It’s not impossible to become faithful to Jesus for everyone of us can aspire to become one. But we often times choose not to be faithful because we allow ourselves to be seduced by the devil. The devil who is disguised in many worldly forms whose only mission is to snatch us away from Jesus.   

Remember Judas Iscariot? He allowed himself to be seduced by the devil for he betrayed Jesus for thirty pieces of silver (Matthew 26:15).  What was the effect of that betrayal on Judas? Endless mental torture and guilt of conscience that eventually led him to end his life (Matthew 27:3-5). – Marino J. Dasmarinas  

Ang Mabuting Balita sa Marso 29, Miyerkules Ikalimang lingo ng Apatnapung Araw na Paghahanda: Juan 8:31-42

Mabuting Balita: Juan 8:31-42
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya, “Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo’y mga alagad ko; makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Lahi kami ni Abraham,” tugon nila, “at kailanma’y di kami naalipin ninuman. Paano mo masasabing palalayain kami?” 

Sumagot si Hesus, “Tandaan ninyo: alipin ng kasalanan ang lahat ng nagkakasala. Ang alipin ay hindi kabilang sa sambahayan sa habang panahon, subalit ang anak ay kabilang magpakailanman. Kapag kayo’y pinalaya ng Anak, tunay nga kayong malaya. 

Nalalaman kong lahi kayo ni Abraham; gayunma’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, sapagkat walang pitak sa inyong puso ang aral ko. Sinasabi ko ang aking nakita sa aking Ama; ginagawa naman ninyo ang inyong narinig sa inyong ama.” Sumagot sila, “Si Abraham ang aming ama.” “Kung kayo’y mga anak ni Abraham, tutularan ninyo ang kanyang ginawa,” ani Hesus. “Ngunit pinagsisikapan ninyo akong patayin, gayong sinasabi ko lamang ang katotohanang narinig ko sa Diyos. 

Hindi ganyan ang ginawa ni Abraham. Ang ginagawa ninyo’y tulad ng ginawa ng inyong ama.” “Hindi kami mga anak sa labas,” tugon nila. “Ang Diyos ang aming Ama.” Sinabi ni Hesus, “Kung talagang ang Diyos ang inyong Ama, iibigin ninyo ako, sapagkat nagmula ako sa Diyos. Hindi ako naparito sa ganang sarili ko lamang, kundi sinugo niya ako.”

Inspirational Words from the Bible - 2

 


Mga salita mula sa Biblia na nagbibigay ng Lakas ng Loob - 2

 


Monday, March 27, 2023

Reflection for March 28, Tuesday of the Fifth Week of Lent: John 8:21-30


Gospel: John 8:21-30
Jesus said to the Pharisees: “I am going away and you will look for me, but you will die in your sin. Where I am going you cannot come. So the Jews said, “He is not going to kill himself, is he, because he said, ‘Where I am going you cannot come’? He said to them, “You belong to what is below, I belong to what is above.  

You belong to this world but I do not belong to this world. That is why I told you that you will die in your sins. For if you do not believe that I AM, you will die in your sins. So they said to him, “Who are you? Jesus said to them, “What I told you from the beginning. I have much to say about you in condemnation.   

But the one who sent me is true, and what I heard from him I tell the world. They did not realize that he was speaking to them of the Father. So Jesus said to them,  When you lift up the Son of Man then you will realize that I AM, and that I do nothing on my own but I say only what the Father taught me. The one who sent me is with me. He has not left me alone, because I always do what is pleasing to him. Because he spoke this way, many came to believe in him.

+ + + + + + +

Reflection:

What prevents us to be close friends with Jesus? It’s our sinfulness and unfaithfulness to Him. Whenever we sin we put a barrier that divides us from Jesus the more we sin the more barriers that we create that separates us from Jesus.   

But we also know that this separation is not permanent because through our humble submission to the Sacrament of Reconciliation we allow Jesus to reach out to us as we reach out to Him also. This is what separates us from the many Pharisees of Jesus time: We humbly submit to the Lord.   

 By their arrogance and unbelief the Pharisees created a permanent barrier between them and Jesus. This is one of the reasons why Jesus told them (Pharisees), where I am going you cannot come. What then is the key element for us to be able to go eventually where Jesus is? It’s our humility and faith in Jesus.   

We read in the first part of the gospel that Jesus is somewhat distant and aloft. Yes, in His humanity Jesus was perhaps exasperated already with the Pharisees. Who would not be? They always contradict Him, they always find fault in Him and they were full of jealousy and unbelief.   

Nevertheless, Jesus loved them dearly also the same love  that He gave to His followers and to all of humanity. Jesus did not sacrifice His life on the cross for those who only believe Him. He died on the cross for all of us believers, unbelievers and sinners.   

If you think that because of your sinfulness and unbelief you’re already hopeless and out of the loop of the love of the Lord. Think again because you’re not! You still have hope, you’re still dearly loved by Jesus who died for you on the cross.  – Marino J. Dasmarinas  

Ang Mabuting Balita sa Marso 28, Martes Ikalimang lingo ng Apatnapung Araw na Paghahanda: Juan 8:21-30


Mabuting Balita: Juan 8:21-30
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Pariseo: "Ako'y yayaon; hahanapin ninyo ako, ngunit mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Hindi kayo makapupunta sa paroroonan ko." Sinabi ng mga Judio, "Magpapakamatay kaya siya kaya niya sinasabing, 'Hindi kayo makapupunta sa paroroonan ko'?" 

Sumagot si Jesus, "Kayo'y taga ibaba ako'y taga itaas. Kayo'y taga sanlibutang ito, ako'y hindi. Kaya sinasabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Mamamatay nga kayo sa inyong mga kasalanan kung hindi kayo maniniwalang 'Ako'y si Ako nga'." "Sino ka ba?" tanong nila. Sumagot si Jesus, "Ako'y yaong sinabi ko na sa inyo mula pa noong una. Marami akong masasabi at maihahatol laban sa inyo. Ngunit totoo ang sinasabi ng nagsugo sa akin, at ang narinig ko sa kanya ang ipinapahayag ko sa sanlibutan." 

Hindi nila nauunawaan na siya'y nagsasalita tungkol sa Ama. Kaya't sinabi ni Jesus, "Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng Tao, malalaman ninyong 'Ako'y si Ako nga.' Wala akong ginagawa sa ganang sarili ko lamang; nagsasalita ako ayon sa itinuturo sa akin ng Ama. At kasama ko ang nagsugo sa akin; hindi niya ako iniwan, sapagkat lagi kong ginagawa ang nakalulugod sa kanya." Marami sa nakarinig nito ang nainiwala sa kanya.

Friday, March 24, 2023

Reflection for March 27, Monday of the Fifth Week of Lent: John 8:1-11


Gospel: John 8:1-11
Jesus went to the Mount of Olives. But early in the morning he arrived again in the temple area, and all the people started coming to him, and he sat down and taught them. Then the scribes and the Pharisees brought a woman who had been caught in adultery and made her stand in the middle. They said to him, “Teacher, this woman was caught in the very act of committing adultery. 

Now in the law, Moses commanded us to stone such women. So what do you say?” They said this to test him, so that they could have some charge to bring against him. Jesus bent down and began to write on the ground with his finger. But when they continued asking him, he straightened up and said to them, “Let the one among you who is without sin be the first to throw a stone at her.” 

Again he bent down and wrote on the ground. And in response, they went away one by one, beginning with the elders. So he was left alone with the woman before him. Then Jesus straightened up and said to her, “Woman, where are they? Has no one condemned you?” She replied, “No one, sir.” Then Jesus said, “Neither do I condemn you. Go, and from now on do not sin any more.”

+ + + + +  + +

Reflection:

The story is told about a woman who was being suspected by her husband of carrying an adulterous affair. She was repeatedly being counseled by her husband to stop it if she was doing it. But she would always strongly deny it until the time came that she was caught by her husband. She asked forgiveness and she was forgiven subject to a few conditions which she complied. 

Are you quick to forgive or you don’t easily forgive? When you are quick to forgive you immediately free yourself from any disastrous situation that could happen caused by unforgiveness. You also free yourself from many forms of negative emotions caused by unforgiveness.       

When the woman in our gospel was caught in the act of adultery, she was immediately condemned by the Pharisees and scribes. Their hearts were full of unforgiveness and hatred. Perhaps, they right away want to lay their punishing hands upon the adulterous woman. 

But Jesus was there to save the woman from that perilous predicament. Jesus said this to those who were condemning the adulterous woman: "Let him who is without sin among you be the first to throw a stone at her (John 8:7)."

After hearing this wisdom filled words from Jesus the Pharisees and scribes all walked away. Why? Because they were all sinners as well.  Then Jesus said something very profound to the woman: “I will not condemn you, go and do not sin anymore (John 8:11). 

What does this gospel about the adulterous woman teach us? It teaches us not to judge and condemn for we are all sinners. It teaches us to be forgiving because our God is a forgiving God. – Marino J. Dasmarinas