“Ano ang gagawin natin?” wika nila. “Gumagawa ng maraming kababalaghan ang taong ito. Kung siya’y pababayaan natin, mananampalataya sa kanya ang lahat. Paririto ang mga Romano at wawasakin ang Templo at ang ating bansa.” Ngunit isa sa kanila, si Caifas, ang pinakapunong saserdote noon ay nagsabi ng ganito: “Ano ba kayo? Hindi ba ninyo naiisip na mas mabuti para sa atin na isang tao lamang ang mamatay alang-alang sa bayan, sa halip na mapahamak ang buong bansa?”
Sinabi niya ito hindi sa ganang kanyang sarili lamang. Bilang pinakapunong saserdote ng panahong iyon, hinulaan niyang mamamatay si Hesus dahil sa bansa – at hindi dahil sa bansang iyon lamang, kundi upang tipunin ang nagkawatak-watak na mga anak ng Diyos. Mula noon, binalangkas na nila kung paano ipapapatay si Hesus, kaya’t hindi na siya hayagang naglakad sa Judea. Sa halip, siya’y nagpunta sa Efraim, isang bayang malapit sa ilang. At doon siya nanirahang kasama ng kanyang mga alagad.
Nalalapit na
ang Pista ng Paskuwa. Maraming taga-lalawigang pumunta sa Jerusalem bago
mag-Paskuwa upang isagawa ang paglilinis ayon sa Kautusan. Hindi nila nakita si
Hesus sa templo, kaya’t nagtanungan sila,”Ano sa akala ninyo? Paririto kaya sa
pista o hindi?” Ipinag-utos ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo na ituro
ng sinumang nakaaalam kung nasaan si Hesus upang siya’y maipadakip nila.
No comments:
Post a Comment