Kung mapakinggan ninuman ang aking salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito. May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw.
Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya't ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi."
At sa wakas, nagbunga ang kanyang walang sawang pagsusumamo—pinili ng lalaki na baguhin ang kanyang buhay. Sa paglipas ng panahon, siya ay tunay na nagbago at kalaunan ay naging matagumpay.
Sa Ebanghelyo ngayon, pinaaalalahanan tayong lahat ng isang katotohanang tumatagos sa ating puso: ang ating Panginoong Hesus ay mapagtiis at mapagpasensya sa ating lahat. Sinabi Niya, “Kung ang sinuman ay nakikinig sa aking mga salita ngunit hindi ito sinusunod, hindi ko siya hinahatulan; sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito” (Juan 12:47). Ang mga salitang ito ay nagbibigay sa ating lahat ng pag-asa—anumang ating pinagdadaanan at gaano man kabigat ang ating mga kasalanan.
Hindi nakatuon si Hesus sa ating pagkukulang at kasalanan, gaano man ito kalalim o kabigat. Siya ay naparito hindi upang tayo’y husgahan, kundi upang tayo’y iligtas. Kung tayo ay madaling humatol, si Hesus ay handang umunawa. Kung tayo ay mabilis magparusa, si Hesus ay laging handang magpatawad. Paulit-ulit Niya tayong inaanyayahan na magbalik-loob, magsimulang muli, at maranasan ang Kanyang nagbabagong pag-ibig.
Ngayon, habang patuloy nating tinatanggap ang Kanyang awa at habag, inaanyayahan din tayong ipamalas ito sa ating kapwa. Sa halip na manghusga piliin nating magbigay ng pag-asa. Mag-alok tayo ng pag-unawa, magpatawad nang bukal sa puso, at magmahal kahit hindi madali. Sapagkat tayong lahat ay nagkakasala, at tayong lahat ay patuloy na inaabot ng walang hanggang awa at pag-ibig ng Diyos.
Sandali tayong tumigil at silipin ang ating mga puso. Tayo ba ay naging mapanghusga? May mga salita ba tayong nasabi na nakasakit sa halip na magpagaling? Boung kababaang-loob na hingin natin sa Panginoong Hesus na baguhin ang ating puso at palayain tayo sa ating mapanghusgang pag-iisip.
At habang patuloy nating nararanasan ang Kanyang dakilang awa, tanungin natin ang ating sarili: Handa ba tayong maging daluyan ng Kanyang habag—magpatawad, umunawa, at magmahal sa kapwa tulad ng pagmamahal Niya sa atin?—Marino J. Dasmarinas

No comments:
Post a Comment