Pinag-usapan nila ang nalalapit na pagpanaw ni Hesus na magaganap
sa Jerusalem. Tulog na tulog si Pedro at ang kanyang mga kasama, ngunit sila’y
biglang nagising at nakita nila si Hesus na nagniningning at ang dalawang
lalaking nakatayo sa tabi niya. Nang papaalis na sa tabi ni Hesus ang mga
lalaki, sinabi ni Pedro, “Guro, mabuti pa’y dumito na tayo. Gagawa po kami ng
tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises, at isa kay Elias.”
Ang
totoo’y hindi niya nalalaman ang kanyang sinasabi. Nagsasalita pa siya nang
matakpan sila ng isang ulap, at sila’y natakot. At may isang tinig mula sa
alapaap na nagsabi, “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Siya ang inyong
pakinggan.” Nang tumigil ang tinig, nakita nilang nag-iisa na si Hesus. At
hindi muna sinabi ng mga alagad kaninuman ang kanilang nakita.

No comments:
Post a Comment