At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.”
“Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si
Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.”
Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas!
Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng
aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa
ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa
kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan.
Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang
ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay
ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilin ang kanyang mga alagad
na huwag sasabihin na siya ang Kristo.
Mula noon ay ipinaalam na ni Hesus sa kanyang mga alagad na dapat
siyang magtungo sa Jerusalem at magbata ng maraming hirap sa kamay ng matatanda
ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at kanilang ipapapatay
siya. Ngunit sa ikatlong araw siya’y muling mabubuhay.
Niyaya
siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan ng ganito: “Panginoon, huwag namang
itulot ng Diyos! Hindi po dapat mangyari ito sa inyo.” Ngunit hinarap siya ni
Hesus at sinabihan, “Lumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang
iniisip mo’y hindi sa Diyos kundi sa tao.”
No comments:
Post a Comment