Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa
at tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo. Inihayag ko rito sa lupa
ang iyong karangalan; natapos ko ang ipinagagawa mo sa akin. Kaya, Ama,
ipagkaloob mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa
likhain ang sanlibutan."
"Ipinakilala kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa
sanlibutan. Sila'y iyo; ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong
salita. Ngayo'y alam na nilang mula sa iyo ang lahat ng ibinigay mo sa akin;
sapagkat itinuro ko sa kanila ang lahat ng aking nabatid sa iyo at tinanggap
naman nila. Natitiyak nilang ako'y galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga
ang nagsugo sa akin."
"Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y iyo. Ang lahat ng akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay akin; at pararangalan ako sa pamamagitan nila. At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila."
No comments:
Post a Comment