Alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang
katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na
puno ng maasim na alak. Itinuhog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa
sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay
kanyang sinabi, “Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang
kanyang hininga.
Noo’y Araw ng Paghahanda, ay ayaw ng mga Judio na manatili sa
krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila ang araw ng
Pamamahingang ito. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga
binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang
mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus.
Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.
No comments:
Post a Comment