Pagdating ng huling Araw, marami ang
magsasabi sa akin, ‘Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo,
at gumawa ng mga kababalaghan sa inyong pangalan!’ At sasabihin ko sa kanila,
‘Kailanma’y hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng
masama!’
“Kaya’t
ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang
taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan nang
malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi
nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato.
Ang
bawat nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay matutulad sa
isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. Umulan nang
malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Bumagsak ang bahay
na iyon at lubusang nawasak.”
Nang masabi na ni Hesus ang mga pananalitang ito, ang mga tao’y namangha. Sapagkat nagturo siya na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba.

No comments:
Post a Comment