Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa kanyang mga alagad, "Huwag ninyong hatulan ang inyong kapwa, upang
hindi kayo hatulan ng Diyos. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa hatol na
inihahatol ninyo sa iba. Ang panukat ninyo sa iba ay siya ring ipanunukat sa
inyo.
Bakit mo nakikita ang puwing sa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang puwing mong gatahilan sa iyong mata? Paano mong masasabi sa iyong kapatid, 'Halika't aalisin ko ang puwing mo,' gayong gatahilan ang nasa mata mo? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang puwing na gatahilan at sa gayo'y makakikita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid."

No comments:
Post a Comment