Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa mga Pariseo at mga eskriba ang talinghagang ito: “Kung ang sinuman sa inyo
ay may sandaang tupa, at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Iiwan ang
siyamnapu’t siyam sa ilang at hahanapin ang nawawala hanggang sa matagpuan,
hindi ba? Kapag nasumpungan na’y masaya niyang papasanin ito.
Pagdating ng bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala!’ Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi’t tumatalikod sa kanyang kasalanan kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi.

No comments:
Post a Comment