Noong mga panahong iyon, sinabi ni
Jesus sa mga tao, "Walang makalalapit sa akin malibang dalhin siya ng
Amang nagsugo sa akin. At ang lalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling
araw. Nasusulat sa aklat ng mga propeta, 'At silang lahat ay tuturuan ng
Diyos.'
Ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lalapit sa akin. Hindi ito
nangangahulugang may nakakita na sa Ama; yaong nagmula sa Diyos ang tanging
nakakita sa Ama.
"Sinasabi
ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay may buhay na walang hanggan. Ako ang
pagkaing nagbibigay buhay. Kumain ng manna ang inyong mga ninuno nang sila'y
nasa ilang, gayuma'y namatay sila.
Ngunit ang sinumang kumain ng pagkaing bumaba mula sa langit ay hindi mamamatay. Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman."

No comments:
Post a Comment