Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang
mga alagad: "Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa
inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng
kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo'y mga kaibigan ko kung
tinutupad ninyo ang mga utos ko.
Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi
alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang Panginoon. Sa halip, inaari ko kayong
mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama.
Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at
humirang sa inyo upang kayo'y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga.
Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa
inyo. Ito ang iniuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo."

No comments:
Post a Comment