Wednesday, May 21, 2025

Ang Mabuting Balita Mayo 22 Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 15:9-11


Mabuting Balita: Juan 15:9-11
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayon din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig; Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.  

"Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan."

No comments: