Noong panahong iyon, sinabi ni
Hesus sa kanyang mga alagad: "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking
kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng ibinibigay ng
sanlibutan.
Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot. Sinabi ko na sa inyo, 'Ako'y aalis, ngunit babalik ako.' Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat dakila ang Ama kaysa akin. Sinasabi ko na ito sa inyo bago pa mangyari upang kung mangyari na, kayo'y manalig sa akin.
Hindi na ako pakahahaba ng
pagsasalita sa inyo, sapagkat dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito. Wala
siyang kapangyarihan sa akin, subalit dapat makilala ng sanlibutan na iniibig
ko ang Ama at ang ginagawa ko'y ang iniuutos niya sa akin."

No comments:
Post a Comment