Nang mahugasan na ni Hesus ang mga
paa ng kanyang mga alagad, sinabi niya sa kanila:
Sinasabi ko sa inyo: ang alipin ay hindi dakila kaysa kanyang
panginoon, ni ang sinugo kaysa nagsugo sa kanya. Kung nauunawaan ninyo ang mga
bagay na ito at inyong gagawin, mapapalad kayo.
"Hindi para sa inyong lahat ang sinasabi ko; nakikilala ko
ang aking mga hinirang. Ngunit dapat matupad ang nasasabi sa Kasulatan, 'Ako'y
pinagtataksilan ng taong pinakakain ko. Sinasabi ko ito sa inyo bago pa mangyari
upang, kung ito'y mangyari na, ay manalig kayo na 'Ako'y si Ako Nga.'
Tandaan ninyo: ang tumatanggap sa sinugo ko'y tumatanggap sa akin; at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin."

No comments:
Post a Comment