Saturday, May 17, 2025

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Mayo 18, Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 13:31-33a, 34-35


Mabuting Balita: Juan  13:31-33a, 34-35
Pagkaalis ni Judas mula sa Huling Hapunan, sinabi ni Hesus, “Ngayo’y mahahayag na ang karangalan ng Anak ng Tao; at mahahayag din ang karangalan ng Diyos sa pamamagitan niya. At kung mahayag na ang karangalan ng Diyos, ang Diyos naman ang maghahayag ng karangalan ng Anak, at gagawin niya ito agad. 

Mga anak, kaunting panahon na lamang ninyo akong makakasama. Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo’y mag-ibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.”
+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang matandang lalaking na malapit nang pumanaw kaya sabi nya sa kanyang mga anak: 

“Sa loob ng ilang oras, alam kong iiwan ko na kayo. Dahil wala akong kayamanang materyal na maipamamana sa inyo, ang tanging maibibigay ko ay ang aking pag-ibig—pag-ibig na walang hangganan. At ang parehong pag-ibig na ito ay nais kong taglayin ninyo sa inyong mga puso.” 

Madaling umibig kapag tayo ay iniibig din. Ngunit paano kung hindi natin natatanggap ang pag-ibig? Paano kung sa halip na pag-ibig ay pagtuligsa at galit ang ating natatanggap? Kaya pa ba nating mag bigay ng pag-ibig kung poot at pagkondena ang ibinabalik sa atin? 

Sa Mabuting Balita, sinabi ng Panginoon sa Kanyang mga apostol na magmahalan sila, sapagkat malapit na Siyang lumisan. Nais Niyang mahalin nila ang isa’t isa gaya ng pagmamahal Niya sa kanila. Ngunit ang mga apostol ay tao rin—may mga kahinaan din sila. Paminsan-minsan, sila rin ay mayroong hindi pagkakaunawaan. 

Gayunman, sa kabila ng kanilang kahinaan, ipinagpatuloy nila ang kanilang misyon ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita. At lahat sila ay nagtagumpay—maliban kay Judas na nagtaksil kay Jesus. 

Bakit sila nagtagumpay? Sapagkat isinabuhay nila nang lubusan ang utos ng Panginoon na mag ibigan sila. 

Isinasabuhay mo na ba rin ba ng lubusan ang utos na ito ng Panginoong? – Marino J. Dasmarinas

No comments: