Ngunit hindi sila naniwala sa sinabi ni Maria na buhay si Hesus at
napakita sa kanya. Siya’y napakita rin sa dalawang alagad na naglalakad patungo
sa bukid, ngunit iba ang kanyang kaanyuan. Bumalik sa Jerusalem ang dalawa at
ibinalita sa kanilang kasamahan ang nangyari, ngunit sila ma’y hindi
pinaniwalaan.
Pagkatapos,
napakita siya sa Labing-isa samantalang kumakain ang mga ito. Pinagwikaan niya
sila dahil sa hindi nila pananalig sa kanya, at sa katigasan ng ulo, sapagkat
hindi sila naniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya’y muling
mabuhay. At sinabi ni Hesus sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at
ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita.”
No comments:
Post a Comment