Kaya't sinabi ni Hesus sa kanila, "Ano't kayo'y
nagugulumihanan? Bakit nag-aalinlangan pa kayo? Tingnan ninyo ang aking kamay
at paa, ako nga ito. Hipuin nga ninyo at pagmasdan. Ang multo'y walang laman at
buto, ngunit ako'y mayroon, tulad ng nakikita ninyo." At pagkasabi nito,
ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at mga paa. Nang hindi pa rin
sila makapaniwala dahil sa malaking galak at pagkamangha, tinanong sila ni
Hesus, "May makakain ba riyan?" Siya'y binigyan nila ng kaputol na
isdang inihaw, kinuha niya ito at kinain sa harapan nila.
Pagkatapos, sinabi sa mga alagad, "Ito ang tinutukoy ko nang
sabihin ko sa inyo noong kasama-sama pa ninyo ako: dapat matupad ang lahat ng
nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises sa mga aklat ng mga propeta at
sa aklat ng mga Awit." At binuksan niya ang kanilang mga pag-iisip upang
maunawaan nila ang mga Kasulatan.
Sinabi
niya sa kanila. "Ganito ang mga nasusulat: kinakailangang magbata ng hirap
at mamatay ang Mesias at muling mabuhay sa ikatlong araw. Sa kanyang pangalan,
ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng
bansa, magmula sa Jerusalem. Kayo ang mga saksi sa bagay na ito."
No comments:
Post a Comment