Sumagot si Jesus, "Kung ako ang nagpaparangal sa aking
sarili, iya'y walang kabuluhan. Ang aking Ama ang nagpaparangal sa akin at
sinasabi ninyong siya ang inyong Diyos. Hindi ninyo sila nakikilala, ngunit
siya'y nakikilala ko. Kung sabihin kong hindi ko siya nakikilala, ako'y magigng
sinungaling tulad ninyo. Subalit nakikilala ko siya at ginagawa ko ang kanyang
sinasabi.
Natuwa ang inyong amang si Abraham nang mabatid na makikita niya ang araw ng pagparito ko; nakita nga niya ito at siya'y nagalak." Dahil dito'y sinabi sa kanya ng mga Judio, "Wala ka pang limampung taon, at nakita mo na si Abraham?" Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa inyo: bago ipanganak si Abraham 'Ako'y Ako Na'. Dumampot sila ng bato upang siya'y batuhin, ngunit nagtago si Jesus at lumabas ng templo.
No comments:
Post a Comment