Noong panahong iyon, samantalang
dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Hesus, “Napakasama ng lahing ito! Naghahanap
sila ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban
sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas. Kung paanong naging isang
palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayun din naman, magiging isang
palatandaan sa lahing ito ang Anak ng Tao.
Sa Araw
ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at sila’y
hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig
upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon
ang naririto!
Sa Araw
ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan
ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit
higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!”
No comments:
Post a Comment