Thursday, January 23, 2025

Ang Mabuting Balita Biyernes Enero 24 Paggunita kay San Francisco de Sales, obispo at pantas ng simbahan: Marcos 3:13-19


Mabuting Balita: Marcos 3:13-19
Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa kaburulan, kasama ang kanyang mga pinili. Humirang siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol upang maging kasa-kasama niya, suguing mangaral, at bigyan ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.  

Ito ang labindalawang hinirang niya: Si Simon na tinagurian niya ng Pedro, Si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, sila’y tinagurian niyang Boanerges, na ibig sabihi’y mapupusok; sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, at Tadeo; si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo sa kanya.  

No comments: