Mula sa Nazaret, Galilea, si Jose’y pumunta sa Betlehem, Judea,
ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya’y mula sa angkan at lahi
ni David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging
asawa na noo’y kagampan. Samantalang naroroon sila, dumating ang oras ng
panganganak ni Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at ito’y lalaki.
Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala
nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.
Sa lupain ding yaon ay may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat
sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang
anghel ng Panginoon at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw na
kaningningan ng Panginoon.
Natakot sila nang gayun na lamang, “Huwag kayong matakot! Ako’y
may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa
lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong
Tagapagligtas, ang Kristong Panginoon. Ito ang palatandaan: matatagpuan ninyo
ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa sabsaban.”
Biglang
lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking hukbo ng kalangitan, na nagpupuri
sa Diyos: “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong
kinalulugdan niya!”
No comments:
Post a Comment