Noong panahong iyon: nagmamadali
silang lumakad patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose at ang
sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kaya't isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel
tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga
pastol.
Natanim
sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang
mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa
lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.
Pagdating
ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus – ang pangalang
ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.
No comments:
Post a Comment