Noong
Panahong iyon, naroon din sa templo ang isang propetang babae na ang pangala'y
Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya'y napakatanda na. Pitong taon
lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya'y mabalo. At ngayon,
walumpu't apat na taon na siya.
Lagi siya sa templo at araw-gabi'y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Jesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.
Nang maisagawa na nila ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang bata'y lumaking malakas, marunong at kalugod-lugod sa paningin ng Diyos.
No comments:
Post a Comment