"Sa isang lunsod," wika niya, "may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lunsod ding yaon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon.
Ngunit ng malaunan ay nasabi nito
sa sarili: 'Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman,
igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya
akong ginagambala-- baka pa ako mainis sa kapaparito niya.'"
At sinabi ng Panginoon,
"Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang
katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagama't
tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang
katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita
kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?"
No comments:
Post a Comment