Sa
paglalakbay ni Hesus patungong Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria
at Galilea. Nang papasok na siya sa isang nayon, siya’y sinalubong ng sampung
ketongin. Tumigil sila malayu-layo at humiyaw ng: “Hesus! Panginoon! Mahabag po
kayo sa amin!” nang makita sila ay sinabi niya, “Humayo kayo at pakita sa mga
saserdote.”
At
samantalang sila’y naglalakad, gumaling sila. Nang mapuna ng isa na siya’y
magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya
sa paanan ni Hesus at nagpasalamat. Ang taong ito’y Samaritano.
“Hindi ba sampu ang gumaling?” tanong ni Hesus. “Nasan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.”
No comments:
Post a Comment