Noong panahong iyon, itinanong ni Pilato kay
Hesus, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?’ Sumagot si Hesus, “Iyan ba’y galing sa
inyong sariling isipan, o may nagsabi sa inyo?” “Ako ba’y Judio?” tanong ni
Pilato. “Ang mga kababayan mo at ang mga punong saserdote ang nagdala sa iyo
rito.
Ano ba ang ginawa mo?” Sumagot si Hesus, “Ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan at hindi naipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi sa sanlibutang ito ang aking kaharian!”
“Kung gayon, isa kang hari?” sabi ni Pilato.
Sumagot si Hesus, “Kayo na ang nagsasabing ako’y hari. Ito ang dahilan kung
bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan: upang magsalita tungkol sa
katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan.”
No comments:
Post a Comment