Mabuting Balita: Marcos 12:38-44
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus sa kanyang
pagtuturo, "Mag-ingat kayo sa mga eskriba na mahilig maglalakad nang may
mahahabang kasuutan at natutuwang pagpugayan sa mga liwasan. Ang ibig nila'y
ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at mga upuang pandangal sa mga
piging.
Inuubos nila ang mga kabuhayan ng mga babaing balo, at ang
sinasangkala'y ang pagdarasal ng mahaba! Lalo pang bibigat ang parusa sa kanila.!"
Umupo si Jesus sa tapat ng hulugan ng mga
kaloob doon sa templo, at pinagmasdan ang mga taong naghuhulog ng salapi.
Maraming mayayamang naghulog ng malalaking halaga. Lumapit naman ang isang
babaing balo at naghulog ng dalawang kusing na katumbas ng isang pera.
Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at kanyang sinabi, "sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog ng higit sa kanilang lahat. Sapagkat ang iba'y nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi na nila kailangan, ngunit ibinigay ng balong ito na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay."
No comments:
Post a Comment