At ang labingwalong namatay nang mabagsakan ng tore sa Siloe – sa
akala ba ninyo’y higit silang makasalanan kaysa ibang naninirahan sa Jerusalem?
Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan
ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat.”
Sinasabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito: “May isang tao
na may puno ng igos sa kanyang ubasan. Minsan, tiningnan niya kung may bunga
ito, ngunit wala siyang nakita. Kaya’t sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan,
‘Tatlong taon na akong pumaparito at naghahanap ng bunga sa punong ito, ngunit
wala akong makita.
Putulin mo na! Nakasisikip lang iyan!’ Ngunit sumagot ang tagapag-alaga, ‘Huwag po muna nating putulin sa taong ito. Huhukayan ko ang palibot at lalagyan ng pataba. Kung mamunga po ito sa darating na taon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin na natin!’”
No comments:
Post a Comment