Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa pinuno ng mga Pariseo na nag-anyaya sa kanya: “Kapag naghahanda ka, huwag
ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang
aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo’y nagantihan ka
na.
Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo’y magiging mapalad ka. Gagantihin ka ng Diyos na muling pagkabuhay ng mga banal.”
No comments:
Post a Comment