Tuesday, September 03, 2024

Ang Mabuting Balita Setyembre 6, Biyernes sa Ika-22 na Linggo ng Karaniwang Panahon: Luke 5:33-39


Mabuting Balita: Lucas 5:33-39
Noong panahong iyon, sinabi ng mga Pariseo at mga eskriba kay Jesus: "Ang mga alagad ni Juan ay malimit mag-ayuno at manalangin. Gayon din ang alagad ng mga Pariseo. Ngunit ang mga alagad mo'y patuloy ang pagkain at pag-inom."

 Sumagot si Jesus, "Pag-aayunuhin ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kung wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno."  

Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga; "Walang pumiraso sa bagong damit upang itagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit at ang tagping bago ay hindi babagay sa damit na luma. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayon ang ginawa, papuputukin ng bagong alak ang balat, matatapon ang alak, at masisira ang sisidlan.  

Sa bagong sisidlang-balat dapat ilagay ang bagong alak. at walang magkakagustong uminom ng bagong alak kapag nakainom na ng inimbak, sapagkat sasabihin niya, 'Masarap ang inimbak.' "

No comments: