Noong
panahong iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin.
Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng
Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan
niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe,
Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan;
si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil.
Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon.
Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.
No comments:
Post a Comment