Monday, September 30, 2024

Ang Mabuting Balita Sabado Oktubre 5, Santa Faustina Kowalska, dalaga: Lucas 10:17-24


Mabuting Balita: Lucas 10:17-24
Noong panahong iyon, bumalik na tuwang-tuwa ang pitumpu't dalawa. "Panginoon", sabi nila, "kahit po ang mga demonyo ay sumusunod kapag inutusan namin, sa ngalan ninyo." Sumagot si Jesus, "Nakita ko ang pagkahulog ni Satanas mula sa langit -- parang kidlat. Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at yumurak sa kapangyarihan ng kaaway. Walang makapipinsala sa inyo. Gayunman, magalak kayo hindi dahil sa suko sa inyo ang masasamang espiritu, kundi dahil sa nakatala sa langit ang pangalan ninyo."

Nang oras ding iyon, si Jesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, "Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ito na ang kalooba'y tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo. "Ibinigay sa akin ng Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak."

Humarap si Jesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba. "Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon! Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngayon ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan."

No comments: