Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Walang taong nagsisindi ng ilaw at
pagkatapos ay tatakluban ng banga o ilalagay kaya sa ilalim ng higaan. Sa
halip, inilalagay ito sa talagang patungan upang makita ng mga pumapasok ang
liwanag.
Walang natatago na di malalantad, at walang lihim na di malalaman at
mabubunyag. Kaya
pagbutihin ninyo ang inyong pakikinig; sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa,
ngunit ang wala ay aalisan pati ng inaakala niya nasa kanya.”
No comments:
Post a Comment