Noong panahong iyon, tinanong sila ni
Jesus ng patalinghaga: "Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring
bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayun. Walang alagad na
higit sa kanyang guro; ngunit kapag lubusang naturuan, siya'y magiging katulad
ng kanyang guro.
"Ang tinitingnan mo'y ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mong masasabi sa iyong kapatid, 'Kapatid, bayaan kong alisin mo ang iyong puwing,' gayong hindi mo nakikita ang tahilan sa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo'y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid."
No comments:
Post a Comment