Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa kanyang mga alagad, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang
ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang
naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang
mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit
noon.
Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig
kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao
para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Sapagkat darating ang Anak ng Tao na
taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama ang kanyang mga
anghel.
Sa panahong yao’y gagantihan niya ang bawat tao ayon sa kanyang ginawa. Sinasabi ko sa inyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga’t di nila nakikita ang Anak ng Tao na pumaparito bilang Hari.”
No comments:
Post a Comment