Friday, July 12, 2024

Ang Mabuting Balita sa Lunes Hulyo 15 San Buenaventura, obispo at pantas ng simbahan (Paggunita): Mateo 10:34 – 11:1


Mabuting Balita: Mateo 10:34 – 11:1
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, "Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. Sapagkat naparito ako upang papaglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. at ang kaaway ng isang tao'y ang kanya na ring kasambahay.

"Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan nang kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito."  

"Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya'y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. at sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ito'y alagad ko-- tinitiyak kong tatanggap siya ng gantimpala." Matapos tagubilinan ang labingdalawang alagad, umalis si Jesus upang magturo at mangaral sa mga bayang malapit doon. 

No comments: