Friday, July 12, 2024

Ang Mabuting Balita sa Linggo Hulyo 14 Ika-15 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 6:7-13


Mabuting Balita: Marcos 6:7-13
Noong panahong iyon Tinawag niya ang Labindalawa, at sinugong daladalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu, at pinagbilinan: "Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdala ng anuman, maliban sa tungkod. 

Ni pagkain, balutan, salapi sa inyong lukbutan o bihisan, ay huwag kayong magdala. Ngunit magsuot kayo ng panyapak." Sinabi rin niya sa kanila, "At sa alinmang tahanan na inyong tuluyan-- manatili kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon. Kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang dako, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong mga paa bilang babala sa mga tagaroon." 

Kaya't humayo ang Labindalawa at nangaral sa mga tao na pagsisihan nila at talikdan ang kanilang mga kasalanan. Pinalayas nila ang maraming demonyo sa mga inaalihan nito; pinahiran nila ng langis at pinagaling ang maraming maysakit.

No comments: