Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang
bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laki ng tuwa, siya’y
humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na
iyon.
“Gayun
din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na
naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga,
siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.”
No comments:
Post a Comment