Ngunit si Tomas na tinaguriang
Kambal, isa sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Jesus. Kaya't sinabi
sa kanya ng ibang alagad, "Nakita namin ang Panginoon!" Sumagot si
Tomas, "Hindi ako naniniwala hangga't di ko nakikita ang butas ng mga pako
sa kanyang mga kamay, at naisusuot dito ang aking daliri, at hangga't hindi ko
naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran."
Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa bahay ang mga alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Jesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, "Sumainyo ang kapayapaan!" Saka sinabi kay Tomas, "Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong mga daliri.
Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang magalinlangan, maniwala ka na." Sumagot si Tomas, "Panginoon ko at Diyos ko!" Sinabi sa kanya ni Jesus, "Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita."
No comments:
Post a Comment