"Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi," sabi ni
Jesus sa kanila. "Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?"
"Opo," tugon nila. Sinabi ni Jesus, "Ang hirap na babatahin ko'y
babatahin nga ninyo. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo
sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo'y para sa
pinaghandaan ng aking Ama."
Nang
marinig ito ng sampung mga alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya't pinalapit
sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga
Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod.
Ngunit hindi dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at iaalay ang kanyang buhay upang matubos ang marami.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment