Huwag kayong magdala ng salapi -- maging ginto, pilak, o tanso --
sa inyong mga lukbutan. Huwag din kayong magdala ng supot sa inyong
paglalakbay, ni bihisan, pampalit na panyapak, o tungkod; sapagkat ang
manggagawa ay may karapatan sa kanyang ikabubuhay.
"At saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng
taong karapat-dapat pakituluyan, at manatili kayo roon habang kayo'y nasa lugar
na iyon. Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, 'Maghari nawa ang kapayapaan
sa bahay na ito!' Kung karapat-dapat ang mga tao sa bahay na iyon, panatilihin
ninyo sa kanila ang inyong bati.
Ngunit
kung hindi, bawiin ninyo ito. At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa
isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok ng inyong mga
paa. Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang
ipaparusa sa mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma at
taga-Gomorra."
No comments:
Post a Comment