Noong panahong iyon, dinala kay Jesus
ang isang piping inaalihan ng demonyo. Pinalayas ni Jesus ang demonyo at nakapagsalita
ang pipi. Namangha ang mga tao, at sinabi nila, "Kailanma'y walang
nakitang katulad nito sa Israel!" Datapwat sinabi ng mga Pariseo,
"Ang prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang
magpalayas ng mga demonyo."
Nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga
sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos,
at pinagaling ang mga maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita
niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y lito at
lupaypay, parang mga tupang walang pastol.
Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, "Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin."
No comments:
Post a Comment