Mabuting Balita:
Mateo 9:14-17
Noong panahong iyon, lumapit kay
Hesus ang mga alagad ni Juan Bautista at ang wika, “Malimit kaming mag-ayuno,
gayun din ang mga Pariseo. Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad?”
Sumagot siya, “Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang
kasama nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na siya, saka pa lamang sila mag-aayuno.
“Walang
nagtatagpi ng bagong kayo sa isang lumang kasuutan; sapagkat mababatak nito ang
tinagpian, at lalong lalaki ang punit. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa
lumang sisidlang-balat. Kapag gayon ang ginawa, puputok ang balat, matatapon ang
alak, at mawawasak ang sisidlan. Sa halip ay isinisilid ang bagong alak sa
bagong sisidlang-balat, at sa gayo’y kapwa nagtatagal.”
No comments:
Post a Comment